VAT sa Foreign Digital Service Providers, aprubado na sa bicameral conference committee

Kinumpirma ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na inaprubahan na ng bicameral conference committee ang joint version ukol sa value-added tax sa nonresident digital service providers.

Ito’y matapos mabilis na maabot ang consensus sa isyu ng withholding tax sa percentage taxpayers na ipinanukala ng Department of Finance at paglalaan ng pondo para sa local creatives sector.

Sinabi ni Salceda na magtatakda ang Finance Secretary ng withholding tax rates sa mga hindi sakop ng VAT, ngunit ang tiyak ay hindi kasama sa “excessive audits” o kumplikadong compliance ang maliliit na nagbabayad ng buwis.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Applicable pa rin aniya ang proteksyon para sa maliliit na negosyo tulad ng Barangay Micro Business Enterprise Law at Ease of Paying Taxes pagdating sa risk-based audits.

Sa halip na magbayad ng percentage taxes sa pagtatapos ng taon, ibabawas ng e-commerce site ang buwis.

Ang taxpayers na kailangang magbayad ng percentage tax ay yaong napapabilang sa mas mababa sa tatlong milyong pisong VAT threshold na itinakda sa ilalim ng TRAIN Law.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Idinagdag pa ng kongresista na nagkasundo ang bicam na ilaan ang 5 percent ng incremental revenues o nasa 900 million pesos sa creatives sector.

Ipinunto ni Salceda na hindi naging patas ang sitwasyon noong pandemya dahil binubuwisan ang local creators samantalang ang foreign digital service providers ay walang binayarang tax at agad na nagka-access sa Philippine market.

Inaasahang makalilikom ang panukalang batas ng labingwalong bilyong piso sa unang taon ng implementasyon nito.