Laki ng itlog – unti-unti nang bumabalik sa normal

Mas bumuti na ang produksyon ng lokal na itlog kasunod ng pagtatapos ng El Niño.

Kasabay nito, iniulat din ni Egg Board president Francis Uyehura na nag-improve na ang size ng itlog, dahil naging mas maayos na ang temperatura.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag niya – malaki ang improvement sa pagtaas ng feed intake ng mga manok kapag ganitong panahon, at malayong-malayo sa sobrang init na wala talagang gana kumain ang mga ito.

Kapag daw mas malamig, malakas kumain ang mga manok.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dahil sa paglaki ng sukat ng mga itlog, mas naipagbibili ito ng mga farmers sa mas mataas na halaga.

Sa huli, sinabi ni Uyehura na ang nararamdamang pagtaas ng presyo ay pagbalik lang sa tamang presyuhan galing sa napakababang presyo noong tag-init.