NBI – walang nakitang ‘Alice Leal Guo’ sa address nito

Walang natagpuang “Alice Leal Guo” sa address na nakalagay sa NBI clearance ng sinasabing isa pang “Alice Leal Guo.”

Ayon sa ulat, sinabi ng couple na nakatira sa naturang address na walang “Alice Leal Guo” sa kanilang residence, at hindi rin umano sila affiliated sa sino mang may ganitong pangalan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sinabi rin ng mga ito na narentahan bilang parlor ang bahay sa nakalipas na 2 dekada.

Samantala, hindi rin ma-locate ng NBI ang eksaktong address dahil hindi umano nag-e-exist ang nakalistang street.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Mababatid na sa Senate hearing, ipinresenta ni Senadora Risa Hontiveros ang NBI document ng isa pang “Alice Leal Guo” na may kaparehong pangalan, birth date, at birth place ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.