Pagpapataw ng VAT sa mga online services gaya ng online stores at streaming platforms – lusot na sa BiCam

Aprubado na sa isinagawang Bicameral Conference Committee ngayong araw ang panukalang batas na naglalayong patawan ng Value-Added Tax (VAT) ang mga digital services tulad ng online stores at streaming platforms.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Pinangunahan nina Senate Panel, Chairperson, Senador Win Gatchalian at House Representative Panel, Chairperson, Representative Joey Sarte Salceda ang nasabing pagtalakay dito.

Ayon kay Gatchalian at Senador Koko Pimentel, sa pamamagitan nito ay maaring kumita ang bansa ng karagdagang P18-20 bilyon kada taon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maalala, unang ipinakilala ang VAT sa bansa nooong 1988 sa ilalim ng Executive Order No. 273 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino.