Valenzuela, ipinagmalaking POGO-free ang lungsod

Iginiit ni Valenzuela City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian na walang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Gatchalian, ipinagbawal nila ang operasyon ng POGO sa lungsod mula pa noong nakaraang taon sa ilalim ng Ordinance No. 1105, Series of 2023.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Sinabi pa na ang iligal na pagsusugal tulad ng e-sabong, e-games, e-bingo, online poker, video karera, jueteng, lucky nine, tong-its, at iba pa ay ipinagbawal na rin sa lungsod.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kung maalala, ito ang dahilan kung bakit nagpasa ang pamahalaang lungsod ng mga ordinansa na nagbabawal sa mga aktibidad ng ilegal na sugal at POGO.