Butanding, namataan sa karagatang sakop ng Bato, Catanduanes

BNFM Bicol- NAMATAAN ang isang juvenile whale shark o butanding sa karagatang sakop ng Bato, Catanduanes.

Base sa impormasyon, namataan ang butanding na tinatayang nasa 7 metro ang haba ng isang mangingisda malapit sa Nagngangang Buwaya.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Ayon sa BFAR Catanduanes, seasonal ang pagbisita ng mga butanding sa lugar at ang pinapahiwatig ng presensiya nito na mayaman at malinis pa ang karagatan sa bayan ng Bato.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Dagdag pa ng ahensya, na mayrong high concentration ng natural food ng mga butanding na ito sa lugar. ### Nico Merciales, Intern