SB-Basud humirit ng P95 milyon kay Senate President Escudero para pondohan ang dalawang farm to market road projects

CAMARINES NORTE – Naghain ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte noong Lunes na humihiling ng pondo kay Senate President Francis “Chiz” Escudero para sa ilang infrastructure projects.

Humirit ang SB ng halagang P20 milyon para sa construction ng San Jose-Manmuntay farm to market road.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Habang P75 milyon naman ang hiniling sa bikolanong mambabatas para sa farm-to-market road ng Barangay Mamnuntay.

Ayon sa SB malaki ang maitutulong ng mga nabanggit na proyekto sa mga residente sa lugar.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Umaasa ang konseho na maipagkakaloob sa kanila ng ikatlong pinakamataas na lider ng bansa ang kanilang kahilingan.