Monster Ship ng China – nasa bahagi na ng El Nido, Palawan

Naniniwala si dating US Air Force officer, SeaLight director Ray Powell na nagbibigay ng mensahe ang China sa Pilipinas matapos nitong ipadala ang pinakamalaking barko nila sa West Philippine Sea.

Dumating ang pahayag ni Powell matapos mamataan ang China Coast Guard 5901 o “The Monster” sa Ayungin Shoal, Patag Island, Lawak Island, at Escoda Shoal.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Pinapamuka aniya nito na mas may kapangyarihan ang China laban sa Pilipinas, na inilarawan ni Powell na isang mensahe ng “aggression and coercion.”

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Pinaniniwalaan din ni Powell na hindi aksidente at malinaw na pag-atake ang pinakahuling aksyon ng CCG sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.