24 pakete ng shabu na may Chinese markings natagpuang palutang-lutang sa WPS

Namataan ng dalawang mangingisda ang 24 pakete ng shabu na palutang-lutang sa West Philippine Sea sa kanluran ng Barangay Solotsolot, San Juan, Ilocos Sur.

Ayon kay Police Major Benjamin Raquendan, napansin umano ng mga mangingisa ang mga pakete ng transparent plastic na palutang-lutang sa karagatan nang pauwi na sila mula sa pangingisda.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Sinabi ni Raquendan na mayroong Chinese markings ang naturang kontrabando na may bigat na humigit-kumulang isang kilo.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis upang matunton ang pinagmulan ng ilegal na droga.