28-anyos na lalaki, huli sa drug buy-bust ops sa Real, Quezon

Huli ang isang 28-anyos na lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion Uno, Real, Quezon nitong Lunes.

Batay sa report, isang operatiba umano ang nagsilbing poseur buyer kung saan nakabili ito ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si alyas “Denver”, 28-anyos, residente ng nasabing bayan.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Nakumpiska naman sa suspek ang nasa limang (5) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱33,000 at buy-bust money.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.