Pagkagutom, rason ng ilang residente sa patuloy na pagkain ng shellfish sa kabila ng banta ng red tide sa Sorsogon Bay

SORSOGON CITY – Pagkalam ng sikmura dahil sa matinding krisis, ito ang pinakarason ng ilang mamamayan sa lungsod na sakop ng Sorsogon Bay kung bakit patuloy pa rin nilang isinusugal ang kanilang buhay sa pagkain ng mga shellfish sa kabila ng presensya ng red tide sa Sorsogon Bay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Mang Kaloy, hindi totoong pangalan, sinabi nito na mula nang ianunsyo ng BFAR na muli na namang nagpotisibio sa red tide ang Sorsogon Bay ay hindi umano siya natakot na magharvest ng tahong upang ipakain sa kanyang pamilya.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, mas mabuti pang sumugal kaysa sa mamatay sila sa gutom dahil dito lamang sila umaasa lalo na at labis umano ang epekto ng Covid-19 sa kanilang kabuhayan kung kaya’t kahit na delikado ay patuloy pa rin silang maghaharvest at mag- uulam ng tahong, baduy at iba pang shellfish products.