Lalaking nagnakaw ng P14 milyon produktong petrolyo, arestado

Inaresto ng National Bureau of Investigation si alyas Gary ang  suspek sa pagnanakaw ng mga produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P14 milyon sa iba’t ibang gasolinahan.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Ayon sa mga otoridad nagsampa na ng kaso ang kumpanyang ninakawan ng suspek.

Ito’y matapos na ma-access ni Gary ang kanilang Shell Fleet Hub account kung saan nakuha ng suspek ang produktong petrolyo na nagkakahalagang mahigit P14 milyon.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Nakumpiska rin ng NBI ang mga electronic device, ilang kahina-hinalang ID at nasamsam din ang mga paraphernalia sa bahay ng suspek.