Hinihinalang pang-torture; bakas ng dugo, nakita sa Porac POGO hub

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na ang Lucky South 99 na ang pinakamalaking Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na ni-raid ng awtoridad.

Ito ang naging pahayag ng senador alinsunod sa ikinasang occular inspection ngayong araw sa loob ng compound dito sa Porac, Pampanga.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Matapos ang pag-iikot sa loob ng compound ay tiyak umano si Gatchalian na may malakas na ebidensya ng torture at sex trafficking na nangyari sa loob nito.

Ilan lang din kase sa nakita sa loob nito ay baseball bat at iba pang pamalo na posibleng ginamit umano sa pangto-torture.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Maliban pa roon, ipinresenta rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga natuklasan nilang Chinese uniform sa kanilang pagche-check sa loob ng compound.