Senador, tiwalang nasa ‘golden age’ na ang Pilipinas sa pag-unlad ng imprastruktura

Winelcome ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang ginawang inisyatibo ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na 30-day toll suspension sa ilang parte ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Anya, sa pamamagitan ng pagsuspindeng ito ay tiyak niyang matutulungan ang publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at maging pagkain sa merkado.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, pinuri naman din ng senador ang patuloy na pagpapaunlad ng mga imprastruktura sa bansa partikular na sa Cavite at Southern Luzon.

Alinsunod nito, tiwala umano siyang pumapasok na sa ‘golden age of infrastructure development’ ang Pilipinas dahil sa mga makakabuluhang proyekto ng pamahalaan na magbebenepisyo sa mga mamamayang Pilipino.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kaugnay nito, sa ngayon pa lang ay hihingin na rin umano niya ang pag-unawa ng publiko sa posibleng dulot na abala ng mga konstruksyon.