PCG – naniniwalang ‘di na muna kailangan ng foreign assistance sakaling gawin nang regular ang RoRe mission

Idiniin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ‘self-sufficiency’ ng Pilipinas sa mga resupply missions nito.

Kasunod ito ng naging rekumendasyon ng National Maritime Council (NMC) na gawin nang regular ang RoRe missions sa BRP Sierra Madre.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commo Jay Tarriela na sa ngayon, ‘di pa nila nakikitang kailangan nating humingi ng tulong sa mga foreign entities.

Bago ito, una nang sinabi sa Malacang press briefing kahapon ni Executive Sec. Lucas Bersamin na sa ngayon ay ‘di pa nila nakikita ang pangangailangan na i-raise sa international level ang mga recent harassments ng China.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nabanggit din ni Bersamin na ‘di pa maituturing na ‘armed attack’ ang insidente, sa kabila ng pagkakaputol ng daliri ng isang sundalong Pilipino.