Buffer stock ng NFA ngayong tag-ulan, sapat

Tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat ang buffer stock ng bigas ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon sa acting administrator ng NFA na si Larry Lacson, marami ang nabili nilang palay mula sa mga magsasaka kaya na-hit nila ang kanilang target na buffer stock sa unang bahagi ng 2024.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Inaayos na rin anya nila ang requirement ng DSWD kaya patuloy din ang kanilang milling, at pinaghahandaan na ang papalapit na tag-ani ng wet season.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Kaya naman wala raw dapat ipagalala ang publiko, kahit na ulanin at bagyuhin ang bansa dahil supisyente ang bigas sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.