PUV Modernization Program – huwag na daw dapat ipilit kung ‘di naman kaya ayon sa isang senador

Ipinunto ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo na batid niyang mahihirapan ang mga jeepney drivers sa P2.4 milyon na bayarin sa modern jeepney.

Anya, kung magpapatuloy kase ito ay maaring nasa P28,000 kada buwan ang katumbas na kailangang bayaran ng mga tsuper upang makasunod sa gagawing modernisasyon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Alinsunod nito, binigyang-diin niyang hindi na dapat ipilit pa ang pagtulak dito kung ‘di naman kakayanin ng mga tsuper na siyang pinakamabibigatan dito.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, kinwestyon din niya ang pagbibigay ng oportunidad ng gobyerno sa China para maging manufacturer ng modern jeepney dahil maliban sa pagiging mahal nito ay pangit lang din umano ang disensyong gawa ng mga ito.