Pagpapalawak ng food hubs sa bansa, target ng DA

Bilang bahagi ng logistics roadmap ng pamahalaan, target ngayon ng Department of Agriculture na magtayo ng mas maraming food hubs sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ang mga hub na ito ay magsisilbing takbuhan ng mga magsasaka at kooperatiba para direktang madala at maibenta ang kanilang mga produkto.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Magiging tulay rin ito para sa mga whole salers at indibidwal para makabili ng mas murang agricultural products.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Sinabi pa ni Laurel na layon din ng mga food hubs na ito na mapahusay at matiyak ang sapat na suplay ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.