Mag-asawang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, arestado

Arestado ang mag-asawa matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Solana Police Station kahapon, ika-20 ng Hunyo sa Barangay Iraga, Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na Bernie, 43-anyos at alyas Natty, 40-anyos na pawang residente sa nasabing bayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa isinagawang operasyon ay positibong binentahan ng mag-asawa ang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ng 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang papel.

Nakumpiska pa kay alyas Bernie ang pitong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawa na ngayo’y nasa kustodiya ng PNP Solana.