Locsin, pinasalamatan ang US para sa donasyon nito na COVID-19 vaccines

Pinasalamatan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Estados Unidos dahil sa pagbabahagi nito ng kanilang sobra na COVID-19 vaccines sa mga bansa na nakararanas ng kakulangan sa suplay.

Sinabi ni Locsin sa kaniyang ombnibus intervention sa Special ASEAN-US Foreign Ministers’ meeting na nakarinig na siya dati ng paghingi ng tawad ng US dahil sa over-ordering nito ng mga bakuna.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Gayunman, sinabi ng kalihim na nagpapasalamat pa rin siya sa Amerika para rito.

Ipinunto ni Locsin na kung hindi sumobra ang na-order na bakuna ng US ay wala sana itong maibibigay na sobrang suplay sa ibang mga gobyerno na hindi sapat ang nabili o walang kakayahan na bumili.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Ayon sa US, kaya nitong magbahagi ng 16-million shots sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Nitong July naman ay inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na makakatanggap ang Pilipinas ng mahigit 3-million doses ng Johnson & Johnson vaccines mula sa donasyon ng US.