US Secretary of State Blinken at SFA Manalo – pinagpulungan ang ‘escalatory actions’ ng China

Kasunod ng panibagong pag-atake ng China sa Pilipinas, pinagpulungan nina US diplomat Antony Blinken at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang mga “escalatory actions” ng China.

Ayon kay Blinken, dahil sa ginagawa ng People’s Republic of China (PRC) – naaapektuhan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa pagpupulong, nagpalitan sina Blinken at Manalo ng mga pananaw kung paano bumuo ng momentum mula sa bilateral engagements sa pagitan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin din nito ang matibay na commitment ng US sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Mababatid na patuloy na ipinipilit ng China ang claim nito sa kabuoang South China Sea, at hindi pinapansin ang mga claims ng ilang Southeast Asian nations gaya ng Pilipinas.