Sen. Imee, GMA – wala ring ideya sa naging rason sa pagbaba sa pwesto ni VP Duterte bilang DepEd Secretary

‘Hindi ko alam’

‘yan ang sabi ni Senadora Imee Marcos nang matanong kung ano sa tingin niya ang dahilan sa biglaang pagbaba sa pwesto ni Vice President Sara Duterte kahapon bilang miyembro ng gabinete ng Pangulo.

Ani Marcos, hindi pa niya nakakausap si VP Sara kung kaya’t maganda umanong manggaling na lang mismo sa bise ang rason sa kanyang pagbibitiw.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Maliban pa roon, kinwestyon naman din niya ang pagtatanong hinggil dito dahil tila nakakatawa umano na ngayon lang itong napag-isipang gawin sa kabila ng dinami-daming insultong natanggap ng bise presidente.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Maalala, una nang sinabi ni Marcos na suportado niya si Sara sa bawat hakbang nito upang maisaayos ang Pilipinas.

Sa hiwalay na pahayag – sinabi ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na muna siya magbibigay ng posisyon hinggil sa isyu.