Apat na kaso ng nasawing pasyente dahil sa dengue, naitala sa Isabela

Naitala sa lalawigan ng Isabela ang apat na kaso ng nasawing pasyente dahil sa dengue ngunit sa kabila nito ay mas mababa naman ngayong taon ang naitalang indibidwal na tinamaan ng naturang sakit kumapara noong nakaraang taon.

Ito ay matapos ihayag ni DOH Region 2 Infectious Disease Cluster Head Dr. Janet Ibay na noong 2023 ay nakapagtala ang rehiyon ng 2, 034 na kaso mula Enero hanggang Hunyo habang 1, 699 naman ang naitala ngayong taon.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Nagpapatuloy aniya ang isinasagawang kampanya ng kagawaran ng kagulusugan tulad ng dengue prevention programs na kinabibilangan ng information education campaign.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Muli nitong binigyan-diin ang kahalagaan ng 5S upang makaiwas sa dalang dengue virus ng lamok kung saan ito ay ang search and destroy; self-protection; seek early medical consultation; support fogging; at sustain hydration.