Patrolman, naaksidente dahil sa kalasingan sa Lucban, Quezon

Sugatan ang isang patrolman matapos sumemplang ang minamanehong motor sa Barangay Malupak, Lucban, Quezon nitong Martes, Hunyo 18.

Base sa report, binabagtas noon ng motor ang direksyon patungo sa Lucena City ngunit nang makalampas ito sa mabuhanging kalsada at dahil sa kalasingan, nawalan ito ng kontrol sa manibela saka sumemplang.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang patrolman kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Sa ngayon, nagpapagaling na ang nasabing driver ng motor.