BGYO, nagsampa ng reklamo laban sa mga bashers

Pormal nang naghain ng reklamo ang P-pop group na BGYO laban sa ilang social media users na hindi tumitigil na mam-bash sa kanila.

Umabot na raw kasi sa cyberbullying ang bashing ng ilang mga netizens.

Read More:  Rita Gaviola calls out jokes about Badjao community

Na-trace umano ng kampo ng BGYO ang tunay na impormasyon ng mga taong nasa likod ng pamba-bash, dahilan upang masampahan ang mga ito ng reklamo.

Read More:  Apple David warns ‘bashers’ of possible legal action

Ngayong araw, personal na nagtungo ang group members ng grupo na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa Quezon City Prosecutor’s Office para sa naturang complaint.

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa BGYO.