PBA great Yoyong Martires, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 72 ang Olympian at PBA great na si Yoyong Martires.

Sa social media post ng anak nitong si Moby Leah Martires, sinabi nitong sama-sama nilang hinarap ang pagsubok na pinagdaanan ng kaniyang papa.

Read More:  Alas Pilipinas Women claims historic Sea V. Cup Silver

Mababatid na nakagawa si Martires ng sarili nitong pangalan sa larangan ng Philippine basketball.

Naging bahagi rin siya ng National team na nakipag-compete sa 1972 Munich Olympic Games.

Read More:  Two-time world champion Edward retires after 7-year MLBB Career

Sa huli, inilarawan ni Leah ang kanyang papa bilang loving husband, doting father, caring grandpa, self-made man, Olympian, ‘prolific’ basketball player, comedian, devoted public servant, at child of Christ.’