Mga hakbang para malabanan ang scamming at mga registered SIM cards sa mga POGO hubs – tiniyak ng NTC

Nirerespeto umano ng National Telecommunications Commission (NTC) ang naging pagkalampag sa kanila ng ilang mga Senador para sa tamang implementasyon ng SIM Card Registration Act.

Sa magkakahiwalay kasing statements – kapwa binatikos nina Senate President Chiz Escudero; Senadora Grace Poe, ang may-akda ng batas; at Senador Win Gatchalian; ang enforcement ng Republic Act 11934.

Dahil ‘yan sa mga narerekober na registered SIM cards sa mga na-raid na POGO hubs; pati na rin ang patuloy umanong mga scamming incidentes.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay NTC Deputy Commissioner Atty. Jon Paulo Salvahan, tiniyak nitong mayroon na silang mga hakbang para matugunan ang mga ito.

Naniniwala rin silang ang mga narekober na text blast machines, at mga cloning machines, na pinaniniwalaang ginagamit para i-clone ang SIMs at magkaroon ng ‘multiple registration’ sa isang user, ay napasok sa bansa sa iligal na pamamaraan.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin umano ang pagasa-submit nila ng mga monthly reports para sa status ng SIM Card Registration, pati an rin ang ugnayan sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para sa pagtutok sa mga POGO-related violations.