Isa sa 2 OFW na nasa kritikal na kondisyon dahil sa nangyaring sunog sa Kuwait, ligtas na – DMW

Nakalabas na ng Intensive Care Unit (ICU) ang isa sa dalawang Pinoy na naging kritikal ang kondisyon matapos masunog ang kanilang tinitirhang gusali sa Kuwait.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, kasalukuyang nasa ward na ang OFW at nagpapagaling na lamang.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nananatili pa rin sa ICU ang isa pang OFW na nasa kritikal pa rin ang kondisyon.

Samantala, nailipat na rin sa ibang gusali ng kanilang construction company ang anim pang mga OFW na nakaligtas.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Matatandaan nitong Miyerkules nang lamunin ng apoy ang isang residential building sa Al Mangaf, Kuwait kung saan 49 na katao ang namatay kabilang ang tatlong Pinoy.