AFP, hindi pa naglalabas ng kumpirmasyon na may nasugatan umanong sundalo sa pinakahuling resupply mission

Wala pa ring impormasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may katotohanan ba na may isang sundalong Pilipino na nasugatan sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos ang napabalitang banggaan ng barko ng Pilipinas at China na nai-report ng Chinese Media.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, kumukuha pa sila ng detalye sa naturang report.

Samantala, humingi rin ng reaksyon ang Brigada News Fm Manila kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla – pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin silang kumpirmasyon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Nabatid na base sa lumabas na impormasyon, inilarawan na nagtamo umano ng severe injury ang sundalo at kinailangan pa ng medical evacuation sa lugar.