SP Escudero, nanawagan sa NTC na ‘wag nang magpalusott

Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa National Telecommunications Commission (NTC) na iwasan na ang pagpapalusot sa kanilang naging bigong pagpapatupad sa RA 11934 o mas kilala sa tawag na SIM Registration Act.

Layunin ng nasabing batas na hikayatin ang publiko na magparehistro ng kanilang SIM cards upang maiwasan ang paggamit nito sa mga krimen tulad ng panloloko at scamming.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Alinsunod nito, hinikayat ni Escudero ang nasabing ahensya na magpaliwanag na lang sa naging inepektibong pagpapatupad nito.

Maliban pa roon, maganda rin umano kung mababanggit ng mga ito ang kanilang mga kinakailangan upang epektibong malabanan o mapuksa ang ganitong problema.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Maalala, una ng kinastigo ni Senador Win Gatchalian ang naging pagpapatupad ng NTC sa nasabing batas dahil sa patuloy pa ring paglaganap ng scamming at ibang krimen sa kabila nito.

Ngunit iginiit naman ng NTC na hindi ito ‘silver bullet’ laban sa messaging scams.