PAOCC – may isasampa pang isang kasong kriminal laban kay Mayor Guo

Nakatakda nang magsampa ng kaso ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kay Bamban Mayor Alice Guo sa susunod na linggo.

Ang kasong ito ay kaugnay sa umano’y ilegal na aktibidad sa compound sa kaniyang bayan; at magiging ‘serious’ at ‘non-bailable.’

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Maliban sa kanya ay masasampahan din ng kaso ang iba pang taong sangkot sa ilegal na operasyon.

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston John Casio, ang pangalan at pirma ni Guo ay makikita sa napakaraming dokumento.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Kamakailan umano ay nagawa nilang makakuha ng opisyal na dokumento na may lagda rin ng alkalde.

Mababatid na nagpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senado kay Guo at sa posibilidad na koneksyon nito sa POGO.