Inaasahang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo – nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang inaasahang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.90 ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Mayroon ding umentong P1.60 hanggang P1.80 sa kada litro ng diesel; habang P1.80 naman hanggang P1.90 ang maaaring price hike sa kada litro ng kerosene.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Maaalalang higit sa Piso ang na-rollback sa oil prices nitong Martes.

Araw naman ng Lunes ia-anunsyo ang opsiyal na oil price adjustment, at magiging epektibo ito sa araw ng Martes ng susunod na linggo.