AVO, may mahigpit na paalala sa mga hog raiser kaugnay ng mga naitalang kaso ng ASF

LEGAZPI CITY – Mahigpit na pinapaalalahanan ng Albay Veterinary Office (AVO) ang mga hog raisersa lalawigan na maging maingat sa pagpapalabas-pasok sa mga kulungan ng mga alagang baboy lalo na posibleng sa mga animal workers, mga sasakyan at mga biyahero ang mga maaaring nagdadala ng virus tuwing bumibisita ang mga ito sa babuyan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Pancho R. Mella, kasunod ito ng kakatapos lamang ng surveillance at mass testing sa mga alagang baboy mula sa mga barangay ng Ligao matapos makapagtala ng ASF case.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Wala na rin umanong naitalang kaso o nagpositibo sa nasabing virus sa lungsod at ngayong ay hinihintay na lamang na maibalik sa pink zone ang nasabing lugar.