Albay, muling napili maging benepisyaryo ng disaster-related foreign funded project sa buong Pilipinas

LEGAZPI CITY – Muling napili ang lalawigan ng Albay na maging benepisyaryo ng isang disaster-related foreign funded projects sa buong Pilipinas.

Ito ay kasunod ng pag-anunsyo ng Disaster Readiness and Response Project ng Philippine at American Red Cross, na sila ay muling magbibigay ng tulong sa mga piling barangay sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Dr. Cedric D. Daep, una na umanong naging benepisyaryo ang Albay noong taong 1989 sa tulong ng Professional Regulation Commission (PRC), kung saan pinundohan ito ng Italian Government na nagkakahalaga ng mahigit 300,000 euros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *