PAOCC – posibleng humiling ng extension sa Korte para masuyod ang lahat ng gusali sa Porac POGO

Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na masiyado pa ring malaki ang bahagi ng mga gusali sa Porac POGO hub na ‘di pa nila napapasok.

Sa sobrang laki kasi ng compound – 36 mula sa 46 buildings pa lang ang kanilang napapasok.

Dahil dito, posible umanong humingi pa sila ng extention sa Korte.

Sila kasi’y binigyan lamang ng sampung araw, pero marami pa rin silang ‘di nasusuyod sa loob ng compound na itinuturing na nila bilang isang ‘self-sustained community’.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maaalalang sa mga nagdaang raids, nadiskubre nila ang iba’t ibang establishments sa loob gaya ng mga grocery stores, restaurants, pharmacies, at iba pa.

Nakita rin ang mga KTV bars, maliban pa sa mga kahina-hinalang papeles at mga dokumento.

Patuloy din umano ang imbestigasyon at verification nila sa mga narekober na hinihinalang military uniforms ng China.

LOCAL OFFICIALS

Naniniwala rin ang PAOCC na imposibleng walang kinalaman ang mga lokal na opisyal sa POGO hub, ‘o kung tawagin na nila ay ‘yung ‘scam hub’ sa Porac, Pampanga.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, sa sobrang laki ng compound at mga gusali, malabo raw na hindi ito napapansin ng mga lokal na opisyal.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na raw sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa imbestigasyon sa mga ito.

Bago ito, una nang itinanggi ni Porac Mayor Jing Capil na may kinalaman siya sa operasyon ng POGO sa kaniyang munisipilidad.

Una na ring na-relive sa puwesto ang hepe ng buong Pampanga Provincial Police Office.