PNP, giniit na legal ang kanilang ginawang pagsisilbi ng warrant laban kay Quiboloy

Nanindigan ang Philippine National Police na mapayapa ang kanilang ginawang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quioboloy at sa lima pang akusado sa Davao City.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Giit pa ng PNP, ginawa nila ang pagsisilbi ng arrest warrant alinsunod sa legal security protocols.

Naglabas ng pahayag ang PNP matapos batikusin nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte ang pagpunta ng pulis sa mga teritoryo ng Kingdom of Jesus Christ.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Umapela rin ang PNP kay Quiboloy na sumuko na nang mapayapa sa awtoridad, tanggapin ang warrant laban sa kanya, at harapin ang kanyang mga kaso.