VP Sara Duterte umalma sa paraan ng pagsisilbi ng arrest warrant ng PNP kay Pastor Quiboloy

Tutol si Vice President Sara Duterte sa paraan ng pagsisilbi ng arrest warrant ng Philippine National Police kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa Bise Presidente, hindi dapat nakakalimutan ng PNP na prayoridad nito ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga kabataan.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Nakikiisa raw si Duterte sa panawagan ng publiko na magkaroon ng maayos at katanggap-tanggap na pagpapairal ng batas sa bansa.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Giit niya na ang pandarahas ay paglapastangan sa demokrasya.

Nanawagan din siya sa publiko na dapat  ay maging mahinahon at magkaisa sa pagtataguyod ng katotohanan at hustisya.