Pangulong Marcos, pinaghahanda ang Pilipinas laban sa mga external threat

Dapat maging handa ang Pilipinas sa gitna ng lumalakas na external threat dulot ng mas mataas na geopolitical tension sa Indo-Pacific.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagbisita sa Philippine Army’s 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Ayon sa Pangulo, malapit lang ang lokasyon ng Pilipinas sa Taiwan na naglalagay sa bansa sa lugar na interes ng China kaya mahalagang laging handa ang hilagang bahagi ng bansa sa anumang mga hindi inaasahang kaganapan.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Sinabi ni Marcos na bagama’t hindi kumukuha ng anumang teritoryo ang Pilipinas, ang pamunuan nito ay kailangang mag-isip at ganap na mangako na ipagtanggol ang kanilang teritoryo.