Pagpapatayo ng BARMM International airport, kasado na

LUMAGDA sa isang Memorandum of Understanding ang Provincial Government ng Maguindanao del Norte sa pamamagitan ni Governor Abdulraof Macacua at ng Ministry of Transportation and Communications BARMM kasama ang Bangsamoro Planning and Development Authority at ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Sultan Mastura.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Ito ay para sa pagsisimula ng feasibility study at master plan sa nakatakdang ipapatayong BARMM International Airport sa bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao del Norte.

Sinabi ni Governor Macacua na ang pagtatatag ng BARMM International Airport ay lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayang Bangsamoro at tiyak na mas tataas ang paglago ng ekonomiya ng probinsya sa mga susunod na panahon.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Kasama ng gobernador sa paglagda ng MOU sina MOTC-BARMM Minister Atty. Paisalin Tago, Deputy Minister Muhammad Amen Abbas, Director General Roslaine Macao Maniri, Service Directors, Legal officers, at Airport Managers.