Mga sumukong rebelde, tumanggap ng livelihood assistance sa Maguindanao!

NAMAHAGI muli ng mga livelihood assistance kahapon ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga dating myembro ng BIFF na sumuko sa Pamahalaan.


Isinagawa ang programa kahapon sa provincial capitol ng lalawigan sa bayan ng Buluan, Maguindanao.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister


Sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na bahagi ito ng kanyang pagsusumikap na matuldukan ang terorismo sa lalawigan.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro


Sinaksihan ng mga opisyales ng PRO-BAR, Militar, MILF-CCCH at OPAPP ang pagbibigay ng livelihood assistance para sa mga dating rebelde.