Nakababatang kapatid, patay matapos saksakin ng kuya

Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng nakakatandang kapatid.

Nangyari ang insidente sa Bogo City, Cebu, alas-3 ng hapon noong Linggo, Hunyo 9.

Kinilala ang biktima na si Nestor Sayson Limpag, 43-anyos at ang suspek na si Benjie Sayson Limpag, 46-anyos.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nag-away ang magkapatid habang gumagawa ng uling, sa galit ng kuya kumuha ito ng bolo at sinaksak ang biktima.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Isinugod ito sa ospital ngunit idineklara dead-on arrival ng attending physician.

Kaagad namang nahuli ang suspek at nasa kustodiya na ng Bogo City Police Station.