Pampasaherong bus, lumiyab habang bumabyahe

Lumiyab ang isang pampasaherong bus sa Compostela, Cebu habang bumabyahe.

Nangyari ito alas 11:00 ng umaga ng Lunes, Hunyo 10.

Ligtas namang nakababa ang driver at mga pasahero ng bus na papuntang norte bago pa lumaki ang apoy.

Makikita na binalot ang bus ng maitim at makapal na usok habang nilalamon ng apoy.

Kaagad naman na nakaresponde ang BFP-7 Compostela Fire Station.

Patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *