Bagong Pilipinas Hymn, tinawag na ‘Bagong Brainwashing’ hymn ng Makabayan bloc

Inilarawan ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na ‘pang-i-indoctrinate’ sa mga kabataan ang inilabas na memorandum na nag-uutos na isama sa flag ceremony ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Manuel, sinabi nitong kung talagang may pagbabago sa bansa, kusa itong makikita ng mga mamamayan.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kaugnay nito, iginiit din niyang hindi kailangang ipilit ng gobyerno ang pagkakaisa sa mga Pilipino.

Samantala, sinabi din ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na tila sinusubukan ng kontrobersyal na kautusan na i-‘indoctrinate’ sa mga kabataan at kawani ng gobyerno ang ‘self-styled’ na “Bagong Pilipinas” branding.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Sa halip aniya na ganitong mga gimik ang ginagawa, dapat sana ay mas inilalaan ng administrasyong Marcos ang oras nito para pag-isipan at aksyunan kung paano solusyunan ang mga problema ng mamamayan.