PNP-HPG ‘escort-for-hire’ – iimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Pamunuan ng PNP Highway Patrol Group ang viral ‘escort- for-hire’ post sa social media.

Batay sa Instagram post na burado na ngayon, makikita ang umano’y HPG personnel sakay ng motorsiklo sa harap ng sasakyan.

Nirentahan umano ng asawa ng nag-post ang serbisyo ng HPG personnel upang makaiwas siya sa traffic patungo sa kanyang destinasyon.

Sa pahayag na inilabas ng HPG, hindi nila kukunsintihin ang anumang pagkakasangkot ng kanilang mga tauhan sa escort-for-hire services lalo pa’t labag ito sa kanilang existing protocols at regulations.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Inaalam na rin nila ang katotohanan sa likod ng post.

Tiniyak ng HPG sa publiko ang isang transparent at malalimang proseso ng imbestigasyon.

Paalala pa ng HP , na sinumang magpakalat ng malisyosong pahayag laban sa buong organisasyon na nakakasira sa imahe nito , ay may kaakibat na criminal at administrative charges.

BAGONG VEST

Mayroon ng bagong disenyo ang Highway Patrol Group vest na kasama sa uniporme ng motorcycle unit personnel nito.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa bagong Visibility Enhancer Vest ng HPG, nakalagay na sa likod nito ang motorcycle number na gamit ng HPG rider upang madaling matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Ito rin ang magsisilbing palatandaan ng HPG kung ito ba ay lehitimo nilang tauhan o nagpapanggap lamang.

Ayon kay HPG Director , PBGen Jay Cumicad, ang aksyon ng kanyang tanggapan ay kasunod ng utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil matapos ang isyu ng umano’y illegal escorting ng mga tauhan nito.