Ilegal na pangunguha ng dead corals, namataan sa Patnanungan, Quezon

Namataan sa karagatan ng Patnanungan, Quezon ang umano’y ilegal na pangunguha ng mga gasang o dead corals nitong Sabado, Hunyo 8.

Ayon sa isang Environmental Advocate, dating ginagawang panambak umano ang mga dead corals sa ginagawang Patnanungan Bay.

Ayon sa Republic Act 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998 na inamyedahan ng RA 10654 mariing ipinagbabawal ang anumang illegal na pangunguha at pagbebenta ng mga likas na yaman sa karagatan.

Samantala, nananawagan naman ang mga konsernadong mamamayan ng Patnanungan na sana ay agad na mapatigil ang mga umano’y ilegal na gawain na katulad nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *