Senador, iminungkahi ang muling paghahain ng diplomatic protest laban sa China matapos ang panibagong pangha-harass sa WPS

Mariing kinondena ng ilang senador ang panibagong pangigitgit at panghaharang ng China sa marine scientific research mission ng Pilipinas sa Sabina shoal o mas kilala sa Escoda shoal.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang patuloy na pambu-bully, pangha-harass at agresibong aksyon sa West Philippine Sea ay nag-ugat lahat sa China.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Alinsunod nito, muli niyang iminungkahi ang paghahain ng diplomatic protest bagamat may 154 ng naihain mula noong pag-upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Read More:  4th Atin Ito Coalition civilian mission in the WPS declared successful

Anya, sa pamagitan nito ay maipapakita ng bansa na seryoso ito sa pag-angkin sa WPS bilang teritoryo ng bansa.

Dagdag pa niya, maari ring gumawa ng formal demand ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa regular Bilateral Consultations sa counterpart ng China.