DOH Bicol, suportado ang pagbubukas ng Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility

BNFM Bicol- SUPORTADO ng Department of Health o DOH Bicol ang pagkakaroon ng kauna-unahang rehabilitation and treatment facility  sa rehiyon na matatagpuan sa lalawigan ng Albay.

Sa naging blessing at inauguration nito noong May 29, dinaluhan ng iba’t ibang mga ahensya ang naturang pasilidad bilang paagpapakita ng suporta.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Ang OIC-Regional Director ng DOH Bicol naman na si Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz, sinabi nitong may malaking kontribusyon ang pagkakaroon ng naturang treatment facility para sa lahat ng mga Bicolano sa layunin maging drug-free region ang kabikolan. ### KENNETH BERMIL

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Image: DOH BICOL CHD/Facebook