SALN ni Mayor Guo, hindi tugma sa mga idineklara niyang ari-arian

Hindi nagtutugma ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Mayor Alice Guo sa mga idineklara nitong ari-arian.

Maalalang nagdeklara si Guo ng mga asset na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P429 milyon sa kanyang SALN noong Hunyo 30, 2022, ngunit ayon sa isang dokumento ay bumagsak sa P286 milyon ang kanyang net worth.

Read More:  Fake PWD ID users estimated at 8.5 million — NCDA

Mula sa siyam na property, inalis ni Guo ang tatlong real estate properties, kabilang ang isang kumpanya sa ilalim ng kanyang pangalan.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Wala rin sa listahan ng kanyang mga personal na ari-arian ang club shares at deposito para sa land acquisition na nagkakahalaga ng P138 milyon.