Higit sa 100 mga foreign nationals – huli sa sinalakay na POGO hub sa Pampanga

Nahuli ang nasa mahigit 100 mga foreign nationals sa sinalakay na isang POGO hub raid sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), mayroong 126 na mga Chinese; 23 Vietnamese; apat na Malaysians; apat na Burmese; at isang Korean.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Mayroon ding 29 na mga Pilipino.

Maliban sa mga nahuli – mayroon pang isang Chinese national na na-rescue na hinihinalang biktima ng kidnapping.

Nasa 60 rin na mga buildings ang nadiskubre rito at posibleng mas malaki pa sa ni-raid ng POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Read More:  Romualdez says Bonoan never linked him to alleged flood control scandal

Nag-ugat umano ang operasyon matapos mapag-alamang ang POGO hub na Lucky South 99 sa Grand Palazzo Royale, Friendship ay sangkot ‘di umano sa human trafficking.

Ikinasa ang pagsisilbi ng search warrant sa naturang POGO hub, katuwang ang PNP-CIDG, IMEG, at ACG.