Mga estudyanteng magtatrabaho sa LGU Mercedes ngayong bakasyon tatanggap ng P10K sahod

CAMARINES NORTE – Makakatanggap ng P10K sahod ang bawat estudyanteng magtatrabaho ngayong bakasyon sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, aabot sa 75 estudyante mula sa iba’t- ibang Barangay ng naturang bayan ang nagsimula na ng kanilang trabaho sa ilalim ng  Special Program for Employment of Students ( SPES).

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Ang SPES ay taon taong programa ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Labor & Empmoyment ( DOLE) at sa pakikipag tulungan ng LGU.

Layon ng programa na matulungan ang mga mag aaral  sa ilang gastusin nila sa pag- aaral at magkaroon ng karanasan kung papaano mag trabaho.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Sa kaniyang welcome message, hinimok ni Mayor Alexander pajarillo ang mga estudyante na pahalagahan ang ibinigay sa kanilang trabaho ngayong bakasyon.